MASARAP NA KASALANAN (Ika-30 na labas)

“Hindi na ako tutulad sa babaing natigang ng husto sa kaligayahan dahil sa pagiging martir!”

Pagsapit ng tanghali, hindi na ginising ni Mrs. Manyol ang natutulog na si Aling Bening dahil alam niyang pagod na pagod ito sa pagbibiyahe galing sa probinsya.

Bumaba siya mula sa kaniyang kuwarto na nasa ikalawang palapag at nagtungo sa kusina upang magluto. Kung siya lamang at ang may-edad na katulong ang nasa bahay, hindi na siya magluluto, oorder na  lamang siya ng pagkain sa mga fastfood sa pamamagitan ng telepono.

Nagluto siya dahil ibig niyang kumain ng masarap at masustansya ang karelasyong hardinero sa pansariling dahilan, ibig niyang dagling magbalik ang lakas nito at resistensya nitong nawala dahil sa makamundong kaligayahan.

Labis niyang kinasabikan at kinauhawan ang ibinibigay nitong walang kapantay na kaligayahan sa daigdig ng kahalayan at kalibugan. Kahit bawal dahil mayroon na siyang asawa at anak, hindi niya kayang tiisin ang sariling hindi muling matikman ang MASARAP NA KASALANAN na nagdudulot sa kaniya ng kakaibang sarap at kiliti sa piling ng karelasyong hardinero.

“Nilagang baka ang ipauulam ko sa kaniya.” Wika ni Mrs. Manyol na inilabas mula sa freezer ng refrigarator ang munting plastic container na sisidlan ng iniimbak na ulam at pagkain. “Subok na ang ulam na ito sa pagbibigay at pagbabalik ng nawalang lakas at resistensya sa katawan ng isang tao!”

Matapos maluto ang ulam at sinaing, muling sinadya ni Mrs. Manyol ang servants quarter upang sunduin ang karelasyong hardinero na tiyak niyang natutulog pa dahil sa pagkaubos ng ningas ng kamunduhan sa katawan.

Hindi nagkamali ang hinala niya dahil humihilik nang malakas si Matias sa mahimbing na mahimbing na tulog na narinig niya sa may pintuan ng munting tirahan ng hardinero.

Hindi na siya kumatok sa pinto dahil bumukas ito ng dahan-dahan niyang itulak. Itutuloy

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply