MASARAP NA KASALANAN (Ika-31 na labas)

NAPANGITI si Mrs. Manyol ng makita ang karelasyong hardinero na nagbigay sa kanya ng hindi mapapantayang kaligayahan sa mundo ng kahalayan at kalibugan.

Hindi lang minsan, kung hindi paulit-ulit at inaamin niyang hindi pangkaraniwang kaligayahan, kung hindi kaligayahang naramdaman niya sa kaliit-liitang himaymay ng laman.

Hindi niya maitatangging paulit-ulit siyang nadala ng karelasyon sa sukdulan ng kamunduhan tuwing magsasalo sila sa maigting, maalab at naglalagablab na pagtatalik.

“Tulog na tulog pa ang loko!” Nakangiting wika ni Mrs. Manyol habang pinagmamasdan ang karelasyon. “Talagang nasaid ng husto ang kanyang lakas at resistensya kaya hindi nakapagtrabaho!”

“Pero okey lang ‘yon. . .” Dagdag ni Mrs. Manyol. “Mas makabuluhan ang kanyang trinabaho kaysa sa pagiging hardinero!”

Mahigpit na yakap at mainit na halik ng karelasyong among babae ang gumising sa mahimbing na tulog ni Matias. Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Mrs. Manyol dahil malalim ng nakatatak sa isipan at katawan ang kanilang relasyon dulot ng paulit-ulit nilang pagtatalik at magkasabay na pag-akyat sa sukdulan ng kamunduhan.

Gumanti ng mahigpit na yakap ang hardinero kaya muli silang napahiga ng magkayakap sa papag ng servants quarter at nagkatitigan. Ngunit dahil said na ang ningas ng makamundong pagnanasa sa katawan ng hardinero, mainit na halik na lamang sa pisngi ng karelasyong among babae ang kanyang ginawa.

Natawa na lamang si Mrs. Manyol dahil kahit gusto ng katawan ng karelasyong tumututol naman ang isipan nito dahil pansamantalang pagkaubos ng kakayahang makipagtalik.

Simple lamang ang dahilan, ang sunod-sunod nilang pagtatalik na mistulang isang honeymoon ng mga bagong kasal.

“Bakit muli kang napunta sa servants quarter, Clarissa?” Tanong ni Matias na nanatiling mahigpit na yakap ang among babae. ITUTULOY

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply