MASARAP NA KASALANAN (Ika-32 na labas)

“KAKAIN na tayo ng tanghalian. Mag-aalas dose ng ng tanghali!” Wika ni Mrs. Manyol na kumawala sa pagkakayakap ng hardi-nero at tumindig.

“Oo nga, kaya pala kumakalam na ng husto ang aking sikmura.” Sagot ni Matias na kinuha ang relong pambisig na nakapatong sa munting mesa. “Kukunin ko pa ba ang pagkain sa malaking bahay?”

“Hindi na, doon ka na kumain sa bahay, sabay tayo!” Sagot ni Mrs. Manyol na nagbigay ng malaking pagtataka at pagkagulat sa karelasyong hardinero.

“Hindi ka nagbibiro?” Tanong ni Matias. “Baka ikaw naman ang natutulog pa?”

“Hindi ako natutulog, gising na gising ako at higit sa lahat, alam ko ang aking sinasabi.” Sagot ni Mrs. Manyol. “Gusto mong malaman kung bakit?”

“Siyempre naman. . .” Sagot ni Matias. “Dahil hindi mo maiaalis sa aking mag-alala dahil magdududa ang iyong asawa kapag dinatnan tayong magkasabay na kumakain sa inyong bahay!”

“Hindi na mangyayari ang kinatatakutan ni Matias.” Sagot ni Mrs. Manyol. “Dahil tumawag sa akin si Armando na hindi na uuwi sa bahay na ito. Tuluyan na raw silang magsasama ng katulong naming si Helen!”

“Hindi ka nagbibiro?” Tanong ni Matias na may naramdamang magkahalong emosyon, kasiyahan at kalungkutan.

Kasiyahan dahil mawawala ang pangamba niyang matuklasan ni Mr. Manyol ang kanilang paglalaro ng apoy ni Mrs. Manyol. Sa totoo lang, wala siyang balak na makipagrelasyon sa among babae sa pagpasok bilang hardinero sa pamilya.

Tanging pagtatrabaho ang kaniyang pakay sa pamilya Manyol tulad ng rekomendasyon ni Mang Gardo. Ni sa guniguni, hindi niya akalaing mangyayari ang naganap sa kanila ng among babae na isang MASARAP NA KASALANAN.

Kalungkutan dahil, natiyak niyang tuluyan nang mawawalan siya ng pagkakataong makamit ang pag-ibig ng katulong na si Helen na sa una nilang pagkikita, umibig na siya at nangarap na makarelasyon. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply