Mass resignation ng gov’t officials balewala sa Malakanyang

abigail-valte

BINALEWALA lamang ng Malakanyang ang mass resignation ng mga opisyal ng pamahalaan.

Matatandaan na una na nang nagbitiw sa puwesto nitong Lunes si Philhealth President at Chief Executive Officer si Eduardo Banzon habang nag-resign din si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos at nagpasabi na rin umano si Tourism Usec. Cristino Panlilio.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagkataon lang ang pagbibitiw ng mga nabanggit na opisyal na may sari-sariling dahilan.

Itinanggi rin ng palasyo na si Senador Panfilo Lacson na ang sunod na hihiranging komisyoner ng Bureau of Customs.

Sinabi pa ni Valte, meron nang naka-upo sa Bureau of Customs, at ito ay si Commissioner Rufino Biazon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply