Maximum tolerance ipatutupad sa paggunita ng Mendiola Massacre

mendiola-massacre

GUGUNITAIN ngayong araw ang ika-26 taong anibersaryo ng Mendiola massacre na ikinasawi ng 13 at may 74 katao ang nasugatan.

Dahil dito, hinigpitan ngayon ng Manila Police District ang seguridad sa paligid ng Mendiola dahil inaasahang magsasagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo hanggang hapon.

Ayon kay P/C/Insp. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, magpapatupad  sila ng maximum tolerance upang matiyak na maging maayos at payapa ang paggunita ng mendiola massacre.

Nanawagan naman si Margarejo sa mga rally organizer na sikaping mapayapa ang kanilang pprotesta upang hindi mauwi sa kaguluhan ang pagtitipon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply