May-ari ng baril na pumatay kay Nicole, tukoy na – DOJ

leila-de-lima

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na sa loob ng linggong ito ay mahuhuli na ang may-ari ng baril na nakapatay kay Stephanie Nicole Ella.

Gayunman, tumanggi muna si De Lima na pangalanan ang nasabing suspek batay na rin, aniya, sa paki-usap ng National Bureau of Investigation.

Ayon kay De Lima, kinukumpirma munang mabuti ng NBI kung ang suspek na kanilang natukoy ay tutugma rin sa resulta ng awtopsiya ng NBI.

Mayroon na rin, aniyang, testimonya ng testigo na positibong magtuturo rito.

Matatandaan na una ng nagsagawa ng parallel investigation ang Death Investigation Division ng NBI sa pagkamatay ni Nicole na biktima ng ligaw na bala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply