Mayor, 3 pa kinasuhan sa Ombudsman

SAN LEONARDO, Nueva Ecija —Isang mayor at tatlong matataas na opisyal ng pamahalaang bayan ng San Leonardo ang kinasuhan sa Ombudsman ng 12 kawani dahil sa hindi pag re-remit ng mga koleksyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS), Philhelth, at sa Pag-IBIG.

Sa record ng kaso na isinampa sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon noong Disyembre 27 ng nagdaang taon, nakilala ang mga inireklamo na sina ,Mayor Froilan A. Nagano, Mercedes B. Balmaceda, municipal treasurer, Rosalie P. Razon , accountant, at Henry S. Pestano, municipal budget officer.

Hiniling ng mga nagreklamong sina Rowena M. Esguerra, Mario B. Panganiban; Rosendo C. Razon; Renato N. alfaro; Gari Zaldy M. Rigat; Alvin R. Balmaceda; Elias d. Dizon; Rudy V. Alfaro; Benito P. Velasquez; Mary Ann M. Jose; Josefina J. Ciriaco at Lauro G. Valera; pawang residente rito, na mapatawan ng preventive suspension si Nagaño at mga kasama, upang hindi maka-impluwensiya sa pagtatakip sa kanilang mga pagkukulang.

Mga kasong paglabag sa Rep. Act, 8291 (GSIS Law), Rep. Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), sa National Internal Revenue Code, gross negligence, gross neglect of duty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service ang patong patong na ihinain ng mga nagreklamo,

Batay umano sa 2011 Annual COA Audit umabot ang atraso ng munisipyo sa P 138 Milyon, kasama ang P 30.3 Milyon na utang ng munisipyo sa GSIS, P18.1 M na utang sa BIR dahil sa di nai-remit na nakolektang withholding tax; P2.2 M utang sa Pag-IBIG at iba pa. Kamakailang ay nagbabala rin ang kapitolyo na kakasuhan ito dahil sa di nai-remit na P16.4 M na share sa real property tax.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply