MAYOR TUASON SUSPINDEHIN: PANAWAGAN NG MASBATEÑO

burdado- jun briones

NAGTATANONG ang mga supporter ni Masbate City Vice Mayor Atty. Allan Cos kung trabaho lang ba ang ginagawa ng Liberal o pamumulitika lamang.

Malayo man ang Masbate, pero dahil sa media at teknolohiya ay updated sila sa mga kaganapan sa bansa.

Gaya ng panggigipit ng Liberal Party kay Gov. Amado Espino ng Pangasinan kung saan sa isang presscon ay lantarang dinapurak ni SILG Mar Roxas kay Espino ang mga paratang sa iligal na sugal na kung ituring ito ay para bang convicted na.

Na kung totoo ang paratang sa iligal, eh, bakit ngayon lang ito inilutang kung kailan nalalapit na ang halalan?

At, take note parekoy . . . ang kalaban ni Gov. Espino sa 2013 elections ay si Alaminos City Mayor Hernani Braganza ng Liberal Party!

Sa Cebu naman, mistulang “hilong-talilong” si Gov. Gwen Garcia dahil sinuspinde ng 6 na buwan, mula Disyembre at magtatapos sa Hunyo.

Kaya ang acting governor ngayon ay si Vice Gov. Agnes Magpale na kapatid ni Sec. Jose Rene Almendras. Take note uli, si Magpale ay Liberal!

Ang kaso ni Garcia, inalisan niya noon ng pondo ang opisina ng Vice Governor dahil hindi na ito sumusunod sa kanyang mga kaetsusan. No problem tayo sa parusa kay Garcia dahil talaga namang mali ang kanyang ginawa.

Ang tanong lang, namatay na ang nasabing Vice Gov. dahil sa tagal ng kaso, eh, bakit ngayon lang sinuspinde si Garcia kung kailan nalalapit na ang halalan? Tekswi talaga ang LP!

Balikan natin ang iminamarakulyo ng mga Masbateño. Dahil naramdaman noon ni Mayor Ates Tuason na hindi na niya mapindot ang ilong ni Vice, kaya tinanggalan ang opisina ni Vice Cos ng pondo.

Gayang-gaya ang istayl ni Gov. Garcia. Ang pagkaiba lang nila dahil hindi gaya nina Garcia at Espino na mga kalaban, si Mayor Ates Tuason ay “talisayin” ng Liberal Party!

Ngayon, ibabalik natin ang katanungan ng mga taga-Masbate . . . kung talaga nga bang trabaho lang at hindi namumulitika ang Liberal Party. Sa ganang akin. . . tinatrabaho talaga ang kanilang pamumulitika! Pwe!

Kina PNoy at SILG Mar Ro-xas, ang sauce ba para sa “kambing” ay hindi puwedeng gamitin sa “tupa”? Bakit ayaw ninyong suspindehin si Mayor Tuason? Dahil ba tupa at ‘di gaya ni Garcia na kambing?

Grabe sa matuwid na landas! Kung makapagpapogi wagas! Hmp!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply