Melad, nanindigang lehitimo ang operasyon sa Quezon

atimonan-massacre

NANINDIGAN ang hepe ng pulisya ng Southern Tagalog na lehitimo ang operasyong isinagawa ng kanilang mga operatiba sa Atimonan, Quezon na nagresulta sa pagkamatay ng 13 katao kasama na ang apat na pulis at sundalo.

Bakas sa mukha at tono ng pagsasalita ni Chief Supt. James Melad ang tampo sa pagdududa ngayon sa kanila partikular sa kanilang mga tauhang nagsagawa ng checkpoints na nauwi sa isang engkwentro sa Atimonan, Quezon.

Sa isang ambush interview sa Kampo Crame, kung saan dumalo si Melad sa ginanap na New Year’s call, ibinuhos ni Melad ang kanyang sentimiyento.

Ilan sa mga pinanindigan ni Melad ay ang pagiging lehitimo ng operasyon ng kanyang mga tauhan.

Giit pa nang opisyal na ang mga nasabi na nila ay batay din naman lahat sa pahayag ng mga tauhan na nasa lugar nang mangyari ang insidente, na siya naman niyang ipinasa sa hepe ng PNP.

Hindi kailangang mag-imbento ng mga sasabihin o mag-speculate sa mga nangyari kung kaya’t, hinahayaan lamang umano nila ang SOCO na gawin ang kanilang trabaho at magbigay ng resulta ng kanilang imbestigasyon.

Binigyang-diin ni Melad na walang perpektong operasyon, lalo na kung oras umano ang hinahabol matapos na matanggap ang mga impormasyon sa inaasahang pagdaan ng mga target na personalidad.

Hindi aniya dahilan ang imperfections tulad umano halimbawa ng suot sibilyan ng ilang mga opisyal o tauhan ng pulis sa halip na naka-uniporme, kung madalian na ang paglalagay ng checkpoints lalo pa at nagpositibo ang kanilang natanggap na impormasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply