Melad sinibak kaugnay ng Quezon incident

PINASIBAK na ni Pangulong Benigno Aquino III kay Interior Secretary Mar Roxas si Region 4-A regional police director C/Supt. James Melad kasama ang lahat na mga pulis na sangkot sa naganap na insidente sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Roxas, layunin ng pagsibak ang patas at credible na resulta ng imbestigasyon.

Dagdag pa ni Roxas na isa rin sa dahilan sa mga pulis ay ang pagkakapatay sa pinaniniwalaang dating empleyado ni Vic Siman na si Fernando “Pandoy” Morales sa may San Juan, Batangas.

Kuwestiyunable umano ang pagsilbi ng warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearms sa biktimang si Morales.

Matatandaang inihayag ng Palasyo na agarang sisibakin ang sinumang opisyal ng PNP sa Quezon province na hindi makikipagtulungan sa NBI sa ginagawang imbestigasyon sa Atimonan incident.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply