MGA ALIPING SAGIGILID SA SSS PANSININ MO MR. DE QUIROS

burdado- jun briones

MAHIGIT 70 katao itong tinatawag na SB o Service Bureau sa mga opisina ng SSS.

Ang ilan sa mga SB ay naglingkod na sa SSS ng mahigit 20 anyos at karamihan ay 10 taon na pataas.

Ang trabaho, parekoy, nitong mga SB ay masahol pa sa regular employee na pakaang-kaang lamang at walang takot masisante dahil nakasandal sa “security of tenure” na ginagarantiyahan ng ating mga batas.

Lalo namang matindi ang pawis ng mga singit araw-araw nitong mga SB kumpara sa mga opisyal ng SSS na pakuya-kuyakoy lang sa kanilang electric chairs, este, swivel chairs habang nagpapakabundat sa laki ng kanilang sahod, allowances at iba’t ibang cash incentives mula sa pera ng SSS members.

Gaya nitong si Emilio S. de Quiros Jr., ang Pres. and Chief Executive Officer at ang kanyang mga kampon na sa totoo lang ay hindi naman utak, sipag at tiyaga ang puhunan kung bakit nakapwesto sa SSS.

Magaling lang silang sumipsip kay PNoy! Pwe!

Balikan natin itong mga SB na siyang ulanan-arawan sa field works at nagiging tagatanggap ng ngitngit ng mga nabuboryong na SSS members sa tuwing magpa-follow-up ng claims na inaamag na dahil sa kapalpakan ni De Quiros.

Ang mga SB, kahit napakatagal na panahon na ang “uninterrupted services” sa SSS ay hindi regular, casual o contractual employees dahil ang kanilang kontrata o sahod ay ipinararaan sa agency na Social Security Service Retirees Service Corp.

Noong Pasko, habang bundat ang SSS officials at Merry ang Christmas ng regular employes, casual at contractual, ang mga SB naman ay walang tinanggap sa SSS kahit pisong duling dahil wala silang “employee-employer relationship.”

Langya naman De Circus, este De Quiros, hindi mo ba alam na silang mga SB ang gulugod ng SSS? Subukan mong tanggalin lahat silang 70 SB at tingnan mo kung hindi paralisado ang iyong tanggapan!

Kung wala silang employer relationship sa inyo bakit kayo ang kanilang amo? Kung wala kayong employee relationship sa kanila bakit sa inyo galing ang kanilang sahod?

‘Yun nga lang, kung sino pa ang nasa pamahalaan, eh, sila pa ang magagaling mag-circumvent ng batas. . . dahil nga gumamit pa ng agency!

Silang mga “aliping sagigilid” ng SSS ang nagpapalamon sa inyong pamilya, Mr. De Quiros, dahil sarado ang SSS kung wala sila!

Pansinin mo naman! Huh!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply