Mga alyado ni CGMA, ipatatawag ng QC court

gma3

IPATATAWAG ng Quezon City court ang mga kilalang kaalyado ni dating Pangulong Gloria  Macapagal-Arroyo upang umaktong saksi laban sa utak ng Maguindanao massacre suspect na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan.

Sa ginanap na hearing kanina sa sala ni QC RTC Judge Branch 221 Jocelyn Reyes Solis, sinabi ng prosecution panel na dapat ipatawag sina dating Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay, dating political adviser Gabby Claudio, dating  executive secretary Eduardo Ermita at dating National Security Adviser Norberto Gonzales.

Ayon kay Prosecutor Aristotle Reyes, ang mga nabanggit ay kabilang sa talaan ng mga taong saksi  na may nalalaman sa napag-usapan hinggil sa pagkandidato ni dating Buluan vice mayor at ngayo’y Maguindanao governor Esmael Mangudadatu  para labanan ang mga  Ampatuan sa nagdaang 2010 elections.

Anya, sina Pichay, Claudio, Ermita at Gonzales  ang nasa likod ng pagkumbinsi kay Mangudadatu na tumakbong gobernador sa Maguindanao para kalabanin ang liderato ng pamilyang Ampatuan na pinangungunahan ni Andal Sr.

Una nang naisama ng prosekusyon si dating Defense secretary Gilberto Teodoro sa talaan nila ng mga witnesses laban kay Zaldy.

Kaugnay nito, itinakda naman ng korte na i-recall si Mangudadatu sa  witness stand para tumestigo sa kaso kasabay ng  gagawing pagbusisi ng korte hinggil sa bail petition ni Zaldy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply