MGA BABAENG BIDA

inton

HANGGANG ngayon ay nakatatanggap pa rin ako ng mga komento tungkol sa El Presidente.

Kung ano-ano, iba-ibang puna at puri.

Pero paulit-ulit kong sasabihin na hanga ako sa mga producer ng pelikula.

Gumastos sila, nag-alay ng panahon at resources para sa mga klase ng pelikula na nagsasalamin sa buhay ng mga bayaning Filipino.

Noong huling kolum natin napag-usapan natin ang mga iba pang historical character na bida-materials na maganda sigurong gawan ng pelikula – Si Macario Sakay, si Jose Abad Santos, si Manuel L. Quezon at maging si Rizal. Puro lalaki.

Paano naman ang mga babae. Ulit, ang isyu ba ay kung bebenta o kikita ang pelikula?

Sa mga huling pelikula na napanood ko kung saan ang istorya ay umiikot sa mga babae, naiisip ko na may mga personalidad na babae rin sa ating kasaysayan bilang isang lahing Filipino ang interesante at makapigil-hininga rin at maraming aral.

Halimbawa na lang si Josephine Bracken ang sina-sabing huling pag-ibig ni Jose Rizal.

Noong isang araw ay nakabasa ako sa isang dyaryo ng tungkol sa buhay ni Josephine.

Napakama-damdamin pala ng naging buhay niya.

Hindi siya pinakasalan ni Rizal dahil ayaw daw sa kanya ng mga magulang at pamilya ng ating pambansang bayani.

Napakaganda ng kwento ng kanilang pagkakakilala at ang trahedya ng kanilang paghihiwalay dahil nga pinatay si Jose Rizal.

Ang kuwento ni Josephine pagkatapos na mabaril sa Luneta si Jose ay isang kuwento na puno ng pagsubok at pagkabigo, kuwento ng tagumpay at panalo gayong kuwento rin ito ng pag-ibig at ng isang relasyon na may malaking kinalaman sa naging takbo ng kuwento rin ni Jose Rizal.

Napakaraming babaeng bayani ang nasa mga aklat ng ating kasaysayan.

Bida-materials din at kung ikukuwento gaya ng pagkukuwento ng mga manunulat ngayon ng buhay ng mga babae sa ating kasalukuyang panahon ay sigurado ako na panonoorin, hahangaan at kikita.

Hindi lang ‘yun, tulad ng El Presidente, mabibigyang atensyon ang mga parte ng ating kasaysayan na nanganganib mabalewala lalo ng batang henerasyon.

Sa susunod na kolum ay tutukoy pa tayo ng mga bidang babae sa ating kasaysayan.

Mga bida-material na puwedeng gawan ng pelikulang Pilipino.

ariel.inton@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply