Mga kabalbalan ni Amadeo, Cavite Mayor Villanueva

burdado-jun-briones

GRABE ang sarap ng kape sa Amadeo, Cavite, palibhasa naturingang “coffee capital” of the Philippines!

Pero habang humihigop ng kape, muntik na tayong masamid parekoy sa dami ng nilitanya ng mga residente hinggil sa karanasan nila sa administrasyon ni Mayor Benjarde Benjo Villanueva.

Nakupow, hindi ko kayang ilitanya sa inyo sa isang sulatan lang, tsk, tsk, tsk!

Kung bakit ilalahad natin dito ang lahat ng isyu ay hindi ibig sabihing guilty na agad si Mayor Benjo Villanueva.

Gagawin natin ito parekoy para malinis ni Villanueva ang kanyang pangalan kung siya ay inosente.

Pero kung totoo . . . alam na ng mga taga-Amadeo ang kanilang gagawin! He, he, he!

Bago ito, nais lamang nating ituwid ang pagkakaalam ng ilang taga-Amadeo na kesyo hindi mailalantad sa media ang mga isyu o kabalbalang kinasasangkutan umano ni Mayor Benjo dahil marami itong pera.

Dagdag pa rito, magaling ding gumapang sa media ang ilang tauhan ni Yorme.

Paalala lang kay Yorme, hindi po lahat ng bagay dito sa mundo ay kaya ng pera!!!

ISYU SA DROGA

Totoo ba Mayor Benjo na naging talamak ang iligal na droga sa Amadeo simula nang umupo kang alkalde?

Kilala mo ba, Mayor Benjo, itong si Andrew alyas Butitug na No. 1 tulak ng droga?

Totoo bang hindi kayang hulihin ang taong ito kahit well known sa buong Amadeo ang kanyang pagtutulak ng droga?

Tangna, tinatawagan natin parekoy ang PDEA, untouchable umano ang hayop na pusher na ito dahil ipinangangalandakan na pinsan niya si Mayor!

Ang masakit nito, dahil sa closeness umano sa kanyang pinsan ay pinagdududahan na rin maging si Mayor Benjo na hindi “drug-free.”

Ayon pa sa isang driver, “kung sakaling magpa-drug test si Mayor Benjo, ano kaya ang resulta?

Positive na negative? O negative na positive?

Hak, hak, hak, oo nga naman Mayor Benjo, bakit hindi mo pangunahan ang mga opisyal ng Amadeo sa pagpapasailalim sa drug test?

Para naman makasiguro ang mga residente na ang mga opisyal ng kanilang bayan ay nasa tamang wisyo habang nagpapatupad ng mga batas!!!

Sa totoo lang Mayor Benjo, bagamat ipinagpipilitan ng aking mga kausap na madalas mo raw gamitin si “maryjane” ay hindi ako basta naniniwala.

Maliban na lang kung aaminin mo mismo! (Subaybayan)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply