Mga kalye sa paligid ng Quiapo, isinara na

black-nazarene

SARADO na sa mga motorista ang ilang lansangan sa paligid ng Quiapo dahil na rin sa dami ng mga nagtipon-tipon na karwahe at replika ng Poong Itim na Nazareno para sa  prusisyon.

Dakong alas 2:00 kaninang hapon nang magsimula ang prusisyon ng mga replika.

Nagsimula ang prusisyon sa Plaza Miranda  kung saan nagtipon-tipon  ang mga  replika ng Black Nazarene at ito ay  kumaliwa sa Quezon Blvd. kumanan  sa Recto Avenue at kumanan uli sa Loyola St.

Sunod  ay kumanan pa rin sa Bilibid Viejo patungong Puyat St. kaliwa naman sa Guzman St., kanan  sa Hidalgo  St., kaliwa sa Barbosa St., at kanan sa Globo de Oro St.

Pasok pakanan naman sa  Palanca St., at kanan pa rin sa Villalobos St, pabalik ng Plaza Miranda.

Ayon kay Bro. Nick Salimbagat Jr., committee chairman ng prusisyon na karamihan sa mga deboto at maging ang kanilang dala-dalang mga replika ng Black Nazarene  ay magpapalipas na ng magdamag sa Simbahan ng Quiapo para naman sa traslacion na gagawin bukas patungo naman sa Qurino Grandstand.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply