MGA KAPALPAKAN NG SSS (PINAHIHIRAPAN ANG MEMBERS)

burdado-jun-briones

TAMBAK ang backlog ngayon sa mga tanggapan ng Social Security System dahil sa kapalpakan ni SSS President and CEO Emilio S. De Quiros Jr.

Ang nakaistak na mga dokumento ay kaugnay sa mga retirement, death, sickness at maternity ng SSS members mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa totoo lang parekoy, dilat ang mga mata ni De Quiros sa katotohanan na ang nasabing mga dokumento ay nakaistak na sa SSS mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon.

Pero walang ginagawang hakbang ang hinayupak na mga opisyal ng SSS kung paano ito lulutasin.

Ibig sabihin parekoy, kalansay na ang subject ng death claims, tigbak na ang sa sickness, preschooler na ang ipinanganak ng sa maternity at ulyanin na ang sa retirement, pero hindi pa rin nailalabas ang kanilang pera mula sa SSS.

Ganyan ka-inutil ang mga nanunungkulang opisyal ngayon sa SSS, nagkanda-tigbak na ang claimants pero wala pa ring resulta, habang pakuya-kuyakoy lang ang mga animal sa kanilang magagarang opisina! Pwe kayo!

At alam ba ninyo parekoy ang sanhi ng matinding backlog ngayon sa SSS?

Si Mr. Emilio S. De Quiros mismo! Dahil ang background umano nito sa banking industry ay gusto niyang bitbitin sa SSS.

Gusto raw nitong gayahin ang proseso ng mga dokumento sa bangko kaya ipinasara nito ang processing centers sa iba’t ibang lugar sa bansa at kung saan-saan ipinaglilipat ang mga empleyadong nakatalaga doon.

Mula sa dating 26, ngayon ay 10 na lang ang nagagamit dahil isinarado na ang processing centers sa Diliman, Pasig, Shaw, Makati, Baguio, Tarlac, San Pablo, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao atbp.

Sandali lang po Ginoong De Quiros, bakit pilit mong gina-gaya ang banking transactions gayung withdrawal at deposits lang naman halos ang nagaganap sa kanila, kaya kahit sa main computer pa lang ay kaya nang tapusin ang nasabing transactions.

Ibang klase po ang sa SSS. Pakibuksan po Ginoong De Quiros ang utak mo dahil isang beses ko lang uulitin ito . . .

Iba po sa SSS dahil maraming detalye ang kinakailangang alamin, i-evaluate at ibeberipika ng mga empleyado!

Alam mo ba na dahil sa ka-etsusan niyang ekspiremento mo ay taumbayan ang iyong pinahihirapan?

Gising Mr. De Quiros, hindi hindi kumo sipsip kay PNoy ang isang opisyal ay maari na niyang pairalin ang kabobohan!

Bukas parekoy ang tungkol sa Slaved Backbones (SB)!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply