Mga lumabag sa Comelec gun ban, 282 na

(UPDATE) Mula nang mag-umpisa ang Comelec gun ban noong Enero 13, umabot na sa 282 ang bilang ng mga lumabag dito.

Nasa 227 iba’t ibang uri ng armas naman ang nakumpiska ng mga awtoridad (242 baril, 4 gun replicas; 65 bladed weapons; 18 granada at explosives at 1,145 piraso ng iba’t ibang ammunition).

Batay sa figures na inilabas ng National Election Monitoring Action Center (Nemac) sa Camp Crame kahapon, 246 sa nasabing bilang ay mga sibilyan, 22 ang security guard, anim na pulis, anim na opisyal ng pamahalaan at isang sundalo.

Ang mga nadakip ay nahaharap sa kasong paglabag sa omnibus election code.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply