Mga militanteng grupo, sumugod sa DOJ

doj

SUMUGOD ngayon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo at human rights groups upang kondenahin ang binuong super body kaugnay sa mga kaso ng extra judicial killings, enforced disappearances, torture at mga paglabag sa karapatang pantao.

Ayon kay Leah Valencia, secretary general ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, bago nabuo ang  superbody ay matagal ng walang aksyon ang DOJ sa mga kaso ng extra judicial killings.

Iginiit ng mga ito na ang superbody ay isang propaganda lamang ng pamahalaang Aquino para pataasin ang kanyang popularidad.

Binatikos naman ni Kilusang Mayo Uno Vice Chairperson Larry Jaca, ang pagkakasama ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa binuong superbody gayong ang ilan sa mga kaso umano ng EJK at iba pang paglabag sa karapatang pantao ay kinasangkutan nf ilang myembro ng pulisya at militar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply