MGA OPISYAL NG QCPD NA-LOW MORALE?

lily's-files-lily-reyes

NA-LOW morale ang mga opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na naghahangad ding ma-promote at tumaas ang  ranggo nang  biglang  dumating  ang isang jr. officer na galing ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at siyang pinapuwesto sa isang unit na inaasam-asam ng mga opisyal na gustong maging Sr. Supt.

Maraming opisyal na may ranggong Police Superintendent  ang gustong maging hepe ng District Public Safety Batallion (DPSB) ng QCPD dahil ang sinomang uupo rito ay sigurado nang mapo-promote sa pagka-Police Sr. Superintendent.

Bago mapalitan ang noo’y District Director ng QCPD na si Gen. Mario Dela Vega, ay inilagay nito si P/Supt. Nestor Abalos, bilang OIC ng  DPSB kapalit ni Sr. Supt. Gerardo Ratueta, na ngayon ay nasa Region 1 na.

Nabulaga ang mga opisyal ng QCPD nang biglang dumating ang isang P/Supt.  Gil Francisco Tria, na  galing ng NCRPO at agad na itinalaga bilang hepe ng DPSB at ibinalik sa pinanggalingang D-4 si P/Supt. Abalos.

Ang masaklap pa nito, itong si P/Supt. Tria ay batch ‘92 samantalang ang sinipang si P/Supt. Nestor Abalos ay batch ‘84.

Ang tanong lang dito ay kung bakit naman kailangan pang manggaling sa ibang lugar ang gagawing hepe ng DPSB gayong napakaraming opisyal ang mga nakapila rito.

Sa nangyaring ito ay marami ang na-low morale na opisyal ang QCPD.

Biruin mo nga namang tatlong taon nilang hinintay na  mabakante ang DPSB  at n’ung mabakante ay galing naman sa ibang lugar ang inilagay na hepe.

Sorry na lang sa mga opisyal ng QCPD na nakapila para sa puwestong ito dahil kahit sabihing lehitimong  taga-QCPD kayo, eh,  hindi naman kayo bata ng Heneral, eh di wala rin.

Tingnan mo itong si Tria na kahit  mas bata sa inyo at hindi taga-QCPD ay siyang nakakuha ng puwestong ito dahil malakas at  bata ito  ng isang Heneral.

Tsk tsk tsk.

Ang daming opisyal ng QCPD ang sinagasaan nitong si P/Supt. Tria.

May mukha pa kaya itong  humarap sa mga  pulis diyan sa Kampo Karingal?

Para tuloy nawalan ng gana ang mga opisyal ng QCPD dahil sa pagkakasulot sa kanila ng tagalabas.

Ganunpaman  ay patuloy pa rin naman nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Hay naku , ano na ba ang nangyayari ngayon sa  ating mga kapulisan?

Nagkakabastusan na, hindi mo na makikita ang respeto ng bawat isa sa kanila.

At doon naman sa mga nakatataas  ang ranggo, matuto rin naman kayong rumespeto sa mga mabababa ang  ranggo dahil tiyak namang may damdamin din ang mga ‘yan.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa  09155683000  at  0908-7230036 o kaya’y mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply