MGA PADALANG IBINEBENTA

bantay ocw

REGULAR na tagapaghatid ng balikbayan box ang isang courier company sa pamilya ng OFW mula sa Europa.

Sa haba ng panahon na nagsisilbi sila sa naturang pamilya, naging pamilyar na rin dito ang lalaking nagde-deliver ng naturang mga kahon.

Laking gulat na lamang niya ng huling nag-deliver ito at may mensahe sa kanya ang pamilya.

Sabi ng isang anak: “Pakisabi sa OFW na nagpadala nito, hindi namin gusto itong mga ipinadala niya at ibebenta na lamang namin ito.”

Halos madurog ang puso ng lalaking napagsabihan, dahil gayong siya lamang ang tagapagdala ng naturang mga kahon, bilang ama ng tahanan, nadarama din ‘anya nito ang hirap, pagtitiis at pagdurusa ng OFW makapagpadala lamang sa pag-aakalang maghahatid ito ng ligaya sa kanyang pamilya.

Naulinigan pa niyang may inaasahan palang mga electronic gadget ang magkakapatid at nang hindi nila ito makita sa kahon, hinabol pa siya ng mga bata upang ipahatid sa OFW ang kanilang masakit na mensahe, na patungkol pa mismo sa kanilang sariling ina.

Napagtanto tuloy niyang hindi nga nagawang pahalagahan ng mga anak ng OFW ang mga ipinadadala nito, dahil sa kawalan ng respeto at pakundangan ng kanyang mga anak, nakatambak lang ang maraming mga kahon sa labas ng bahay, na pakiwari niya ay may mga laman pa nga at unti-unti rin nilang ibinebenta.

Backdoor migration

Narito ang ilang mga text message na ipinadala sa Inquirer Bandera hotline 0917.805.2374.

Tanong ko po may nag-hire po ritong tao sa Zambo City, gusto ko po sumama sa Malaysia.

Construction po at magre-renovate raw ng hospital.  Malaki raw ang sahod, ang problema sa backdoor daraan at saka gagawan ng passport. 2 months na walang sahod kasi ibabawas daw sa pag-aayos ng passport tapos isang buwang cash advance para iiwan sa pamilya. Tanong ko lang ‘di kaya iligal ito? Malapit na po kaming umalis. Ramled Gallego, 27, Zambo City, ….7676

Sagot: Ramled ILIGAL ang recruitment na ginagawa sa inyo. Bawal po ang backdoor at hindi tama na ipupuslit na muna kayo saka lamang gagawan ng passport. Human Trafficking po iyan! HUWAG po kayong tumuloy dahil tiyak na mapapahamak lamang po kayo. Huwag po ninyong pag-interesan ang pangakong malaking suweldo. Isinusugal ninyo ang inyong buhay bilang kapalit niyan. Maaari po bang paki-text na lamang sa amin kung sino ang inyong recruiter at mabigat po ang kasong kahaharapin niyan. Huwag po kayong matakot. Maaari po siyang makulong sa panlolokong ginagawa niya diyan sa Zambo City.

Magpapakasal muli sa abroad?

Ipinadala rin ang text message na ito sa Inquirer Bandera: Tanong ko lang po kung sakop ba ng batas natin ‘yung mga kaso ng mga OFW na kasal na rito pero pagdating sa ibang bansa ay nagpapakasal pa? Nabasa ko kasi sa kolum n’yo na may ganyang kaso na ring naisulat sa inyo.

‘Di naman malala ‘yung kaso n’ung sa akin, nandito pa kasi ang husband ko pero ‘yung girl ang nasa ibang bansa. Thank you – …2146

Sagot: Totoo pong maraming kasong ganyan. Kung kasal naman dito sa Pilipinas at walang ligal na prosesong naisagawa tulad ng annulment, hindi kikilalanin sa Pilipinas ang kasal sa ibang bansa. Gayong may mga kababayan tayo, tulad na lamang sa Middle East na nagpapa-convert sa Muslim at nang muli silang makapag-asawa roon, hindi naman iyon ligal sa Pilipinas.

BANTAY OCW sa RADYO INQUIRER

Para po sa inyong mga reklamo, hinaing, karaingan at kahilingan, magtungo sa Radyo Inquirer studio: 2/F Media Resource Plaza Building, Mola St., cor Pasong Tirad St., Makati City.  Simula sa Lunes (Enero 14, 2013) magsisimula na ang Bantay OCW sa ganap na 11:00 am- 12:00 noon, at magbabalik tayo ng 12:30 – 2:00p.m. Radyo Inquirer hotlines: 519-1875 at 519.1876

* * *

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napakikinggan sa Radyo Inquirer dzIQ 990 AM, Lunes – Biyernes,11:00am-12:00nn at 12:30-2:00p.m., audio/video live streaming: www.dziq.am. Mapanonood naman ang Bantay OCW sa PTV 4 tuwing Biyernes 8:00-9:00pm, at GMA News TV International Helpline: 0927.649.9870 Email:bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply