Mga pangunahin at kinakailangang hakbang na dapat gawin ng FDA sa 2013

hilda ong

ITO ay may kaugnayan sa artikulo ng INYONG LINGKOD na may petsang Disyembre 12 at 13, 2012.

Ang mga kawani ng Product Services Division (PSD) na laging nasa meeting, Out of Town, Out of the Country, vacation trip o kaya may sakit daw.

Kapag wala ang checker, hindi ipagagawa sa iba at sasabihin sa mga pabalik-balik na hintayin ang pagbabalik nila.

Ngayong Enero 2013, magkakaroon ng mga bagong centers at bagong mamumuno sa bawat centers.

Sila ay huhusgahan ayon sa kanilang mga paggawa at gawain sa kanilang trabaho, gayundin sa kanilang tamang oras sa panahon ng kanilang paglilingkod.

Mga work ethics o may kaugnayan sa suliranin sa trabaho, uumpisahan sa mga pinuno ng bawat kagawaran sa Food and Drug Administration (FDA) na kailangang maipatupad sa lalong madaling panahon.

a. Makatuwiran at mga mahahalagang meeting lamang na dapat daluhan. Kung minsan nagagamit ang ilang seminars at meetings ng mga empleyadong dumadalo rito upang sila ay ma-excuse sa pagganap sa kanilang mga tungkulin sa opisina. Sa ganito nababalam ang dapat ay serbisyong dapat makarating sa kinauukulan na gagamitin sa pagpro-tekta sa kanila sa tamang panahon.

b. Ang trabaho sa opisina ay dapat na tuloy-tuloy at walang pagkabalam. Dapat may gumanap sa bawat kagawaran para anoman ang pangangailangan ng mamamayan ay maibigay agad, ‘di dapat ang excuse rito.

c. Ang FDA ay dapat nagtatrabaho bilang grupo at hindi bilang indibidwal. Ang mesa ng mga namumuno ay dapat malapit sa pintuan na pasukan ng tao na may kailangan sa kanila, di dapat nakatago na parang may kinatatakutan at nakalagay sa malayo sa likod ng mga empleyado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply