Mga petitioner muling umalma vs Cybercrime Act

kontra-cybercrime-law

MULING inalmahan ng mga petitioner ang Cyber Crime Prevention Act na dapat itong ipawalang bisa dahil lumalabag ito sa karapatan sa pamamahayag, privacy, due process at pantay na proteksyon ng batas.

Sa isinagawang oral argument sa Korte Suprema, ilan sa mga tinalakay ang pagsasakriminal ng internet libel at cybersex, pagpapalawig ng parusa sa cybercrimes, pagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na mangolekta ng real time data nang walang kautusan mula sa korte at pagpapataw ng parusa sa mga tumutulong sa gumagawa ng cyber crime offense.

Nangibabaw sa isinagawang argument na awtomatikong mababalewala ang
online libel provision ng Cyber Crime Law kung maidedeklarang unconstitutional ang libel provision ng Revised Penal Code of the Philippines.

Samantala, sa Enero 22, magpapatuloy ang oral arguments na ang Office
of the Solicitor General (OSG) naman ang magbibigay ng kaniyang panig
para depensahan ang Cyber Crime Act.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply