MGA SERYOSONG UTOS NI MAYOR DEL SA SOCA

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

SA State of the City Address ni Mayor Del R. De Guzman, sinabi niya na, “While we will continue to be compassionate, we will be firm in our enforcement.”

Ang marching orders nga niya sa department heads n’ung gabing ‘yon ay pairalin ang batas nang walang kinikilingan at walang kinatatakutan. Rine-assure niya ang mga ito ng kanyang full support at backing.

Inatasan din niya ang City Social Welfare and Development  Office na siguraduhin na walang nagsasamantala sa mga tinutulungan nila tuwing People’s Day para klaro sa lahat na hindi natin kinukunsinte ang culture of mendicancy rito sa Marikina.

Naniniwala kasi si Mayor Del na hindi ka naman pipila at maghihintay nang matagal kung hindi ka talaga nangangailangan ng tulong. Bakit ba raw nila daraanan ang ganoong kahihiyan? Para sa kanya, pantawid gutom lang ang People’s Day tuwing Huwebes.

Kaya’t para mas lalong matulungan ang mga Marikenyo na medyo hirap, malinaw ang binigay niyang mandato kina Julie Borje ng Center for Excellence at kay Nenette Muriel ng Marikina Livelihood Training Cen-ter: “Tulungan n’yo na maragdagan ang kita at ang mga kumikita sa bawat pamilya. Equip them with additional knowledge and skills to increase their chances of getting hired or of succeeding in a business.”

Sa Labor Relations and Public Employment Services Office na pinamumunuan ni Gil Munar, inutos niya na triplehin ang bilang ng mga residente na nabibigyan ng regular na trabaho.

At sa City Council, hinihiling ni Mayor Del na makapagpasa ng mga ordinansa para siguraduhin na ‘di tayo bibiktimahin ng mga taong pinatuloy natin sa ating mga settlement site.

Mahirap naman daw na ‘yung kinupkop na natin sila at paulit-ulit pa silang gumagawa ng krimen dito sa ating minamahal na lungsod.

Tinanong ni Mayor Del ang crowd kung napapansin ba nila na unti-unting nawawala ang kinang ng ilang best practices sa good governance ng Marikina?

Pinuna niya ang pasaway na vendors, sampayan sa bangketa, nakahubad sa lansangan, maingay na motor na putol ang tambutso at videoke sa disoras ng gabi.

Tama ka, Mayor. Mali nga yata ang pagkakaintindi ng iba nating kasama sa pilosopiyang “Tunay na Kaunlaran, Tao Naman.”

Nakalulungkot nga na ang dali naman nating binitawan ang isang bukod-tanging yaman ng Marikina na nais tularan ng ibang bayan.

“Dapat nating itama agad ang kamaliang ito at manumbalik dapat ang kaayusan at displina sa Marikina para na rin sa ating kapakanan,” ‘yan ay ayon kay Mayor Del.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply