Mga sundalong sangkot sa Atimonan incident, magsasagawa rin ng reenactment

MAGSASAGAWA rin ng sariling reenactment ang mga sundalong sangkot sa madugong checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na ikisawi ng 13 katao.

Ginawa ng kampo ng Special Forces ng AFP ang kanilang pahayag kasunod ng pagharap ng testigong si Rolando Vico, Jr., sa mga imbestigador ng NBI.

Sa pahayag ni Vico, iginiit nito na galing ang unang putok ng baril sa sasakyan na dumaraan sa checkpoint.

Nanindigan din si Vico na may naganap na barilan o shootout na tahasang pagkontra niya sa naging konklusyon ni Justice Secretary Leila de Lima

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Crisanto Buela, counsel ng special forces, na kapani-paniwala ang kanilang testigo.

Ayon pa kay Atty. Buella, imbento lamang ang pahayag ng mga testigo ng NBI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply