Miles Ocampo, Marco Gumabao pasok sa ‘Kailangan Ko’y Ikaw’

marco-and-miles-luv-u

PASOK sa bagong Primetime teleserye ng ABS-CBN na “Kailangan Ko’y Ikaw” ang “Luv U” sweetheart na sina Miles Ocampo at Marco Gumabo.

Ito ang kauna-unahang teleserye ni Miles na matagal ng nasa bakuran ng Kapamilya network. Si Miles ay nanggaling sa Going Bulilit at isa na ngayong ganap na dalagita.

Ang team-up nina Miles at Marco ay nasubukan sa Luv U, ang youth comedy sitcom tuwing Sunday ng Dos kung saan kasama nila sina Kiray Celis, Igi Boy at Joy Biado.

Sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw, si Miles ang gaganap na anak ni Kris Aquino at kapareha niya dito si Marco.

Marami ang nagsasabi na dito na talagang masusubukan ang team-up ng dalawa (hope lang na ma-highlight ang team-up ng dalawa dahil puro big, as in big ang cast ng serye).

Sa isang panayam, tinanong si Miles kung kumusta sila ni Marco sa naturang serye.

“Ang saya-sayang mag-taping,” ayon kay Miles.

Wala na aniyang problema sa kanila ni Marco dahil sa Luv U pa lang ay smooth na ang kanilang samahan.

Nang ma-ask tubgkol kay Kristeta, sinabi ni Miles na “super mabait” kanya ang actress-TV host at pinapayuhan pa siya nito tungkol sa proper diet.

Kinuwento rin ng bagets na tinatawag siyang “Anak” ni Kris sa set.

Abangan sina Miles at Marco sa Kailangan Ko’y Ikaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply