Mindanao makararanas ng malakas na pag-ulan dulot ng LPA

MAKARARANAS ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Mindanao dahil sa Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Timog-Silangan ng Davao City.

Ayon sa ulat ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Fernando Cada, sa nakalipas na tatlong oras ay nakapagtala sila ng malakas na pag-ulan sa Southern Mindanao, lalo na sa Surigao City at Hinatuan City.

Dahil dito, pinaalalahanan na nila ang mga apektadong residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Asahan na rin na magpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa rehiyon lalo’t may posibilidad pa ring maging bagyo ang naturang LPA.

Samantala, makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Eastern Visayas at Bicol, habang mahinang pag-ulan naman ang maaasahan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila hanggang bukas kaya inaasahang magiging maaraw ang traslacion ng Nazareno.

Gayunman, posible pa ring magkaroon ng pag-ambon o pag-ulan dulot ng umiiral na hanging Amihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply