Minulto ni misis, mister nagbigti

suicide-hanging

MAKARAANG magpakita umano ang multo ng kanyang misis, isang lolo ang nagbigti sa kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City nitong Sabado ng alas 6 ng umaga,

Dead on arrival sa Bernardino General Hospital (BGH) sanhi ng asphyxia ang biktimang si Nonito Locaya, 65, ng Garcia St., Dona Faustina Subdivision, Novaliches.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Milagros, 69, ilang minuto bago ang pagkakatapo sa bangkay ng biktima, bigla na lamang nag-hallucinate ang kanyang kapatid habang nakahiga sa kanyang kama.

Sinabi ng biktima kay Milagros na nakita niya ang kanyang namayapang asawa na nasa kanilang bahay at niyaya na siyang sumama.

Hindi naman pinansin ni Milagros ang patutsada ng kapatid at imbes ay nagpunta sa kusina para ihanda ang kanilang almusal.

Ilang minuto ang nakaraan, natagpuan ni Milagros ang kanyang kapatid na nakabitin sa biga ng kanilang kisame gamit ang kawad ng telepono.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply