Misis ni Nonito Donaire 3 months preggy

nonito-donaire

SUNUD-SUNOD ang blessings na dumarating kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Matapos ang sunod-sunod na tagumapy sa larangan ng boxing, proud na ibinalita ng four-division world champion na malapit na siyang maging daddy.

Yep! Tatlong buntis ngayon ang kanyang misis na si Rachel.

Ayon kay Nonito, noong birthday pa niya (Nov. 16) sinabi sa kanya ni Rachel na magiging ama na siya.

Hindi lamang anila kinukumpirma sa media noon dahil sinusunod nila ang tradisyon na huwag itong sabihin sa first trimester ng pagbubuntis ng asawa.

Sinabi rin ng kasalukuyang World Boxing Organization (WBO), The Ring Magazine at World Boxing Council (WBC) Diamond Super Bantamweight Champion, na ang pagbubuntis ni Rachel ang pinakamalaking blessing niya sa taong 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply