Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon, bibisita sa Rizal Park

tugonon

MAGLILIBOT ngayong hapon sa Rizal Park si Miss Universe 1st Runner-Up Janine Tugonon.

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC), Executive Director Juliet Villegas, ang pagbisita ni Tugonon sa Rizal Park ay malaking karangalan hindi lamang sa buong team ng NPDC kundi maging sa mga Pilipino dahil na rin sa karangalang ibinigay nito sa bansa matapos na sungkitin ang first runner-up title sa prestihiyosong Miss Universe Beauty pageant nitong nakalipas na December na ginawa sa Amerika.

“The National Parks Development Committee family and the Department of Tourism are happy and are truly proud of Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon. It is a great honor for us here at the NPDC to have Ms. Tugonon as a guest, as she personally allotted time to visit and experience the beauty and grandeur that Rizal Park has to offer. These make Rizal Park a world-class urban tourist spot, like the renowned exquisite beauty of Filipinas, which Miss Universe Janine Tugonon showcased to the world during the pageant,” ayon kay Villegas.

Nabatid na dakong alas 2:00 nagyong hapon darating si Tugonon sa nataurang parke upang mag-alay ng bulaklak at magbigay respeto sa bantayong ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal kasama nina Villegas at Manila Mayor Alfredo Lim.

Kasunod nito, ay maglilibot na si Togonon kasama ni Villegas sa buong Rizal park sakay ng karwahe upang personal nitong masaksihan ang mga pagbabago at kagandahan ng parke na naging dahilan kung bakit unti-unting naibabalik ng NPDC ang tiwala ng Pilipino rito ganun na rin ang mga dayuhang turista.

Naniniwala naman si Villegas na malaki ang maitutulong ng beauty queen upang i-promote ang Rizal Park bilang premiere urban park destination hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply