Mister ayaw maging OFW si misis, nagbigti

MARIING pagtanggi na makapagtrabaho sa ibayaong dagat ang kanyang misis ang motibo sa pagpapakamatay ng isang mister sa Purok Maligaya barangay Liberty bayan ng Norala, South Cotabato.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang malamig na bangkay na nakabitin sa puno ng acacia ang biktima na si Jay-ar Pantaran Lamgrio, 25, mula sa barangay Kolambog, Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa ulat ni Police chief inspector Jeorge Parcon, chief of police, bago ang pagpapakamatay ng biktima, nag-away ang asawa dahil sa planong pagtatrabaho ng misis sa ibang bansa.

Dahil dito, dinamdam ni mister pag-away nilang mag-asawa at laking gulat na lang ng pamilya nang biglang magpakamatay ang biktima.

Ayon kay Parcon, tanggap na ng pamilya ng biktima ang nangyari sa kanya habang labis namang pagsisisi at hinagpis ang naramdanan ngayon ng misis na naging dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang mister.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply