Mister kulong sa pamumukpok ng helmet sa ulo ng totoy

behind-bars-4

SHOOT sa kulungan ang isang mister nang pukpukin ng helmet ang kalugar na totoy matapos makita ng una na kinakalkal ng huli ang nakaparadang motorsiklo sa Caloocan City Biyernes ng hapon, Enero 25.

Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse si Romeo Baron, 56 ng Galauran st., ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon, paalis na ang suspek at paglapit sa kanyang motorsiklo ay nadatnan ang biktimang edad 11 na naghahalungkat sa motorsiklo.

Sinita ng suspek ang biktima subalit sinabi ng biktima na habang nakaupo sa motorsiklo ay nahulog ang baryang P5 kung kaya hinahanap lang nito.

Hindi na naniwala ang suspek sabay pukpok ng dalang helmet sa ulo ng totoy na nagsumbong sa mga magulang na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply