Mister malubha sa tarak ng umawat na bayaw

emergency

MALUBHA ngayon ang kondisyon ng isang mister makaraang saksakin ng kanyang bayaw na nakialam at umawat sa pag-aaway nila ng kanyang asawa sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Inoobserbahan sa MCU Hospital si Joel Manese y Basilio, 33, vendor, ng 51 Malolos Avenue ng lungsod, sanhi ng isang malalim na saksak ng kitchen knife sa kanang bahagi ng katawan.

Arestado at nahaharap sa kasong fraustrated homicide si Norberto Lamizan y Delgado, 44, may asawa, vendor, bayaw ng biktima at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng King’s Alley sa Bagong Barrio ng lungsod.

Nabatid na nagtatalo ang biktima at ang asawa nito na sinikap na awatin at payapain ng suspek.

Ngunit hindi natinag ang biktima at sunod nito ay kumuha na ng patalim si Norberto at inundayan ng saksak si Joel.

Dinala ang duguang biktima sa nasabing pagamutan.

Habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply