Mister na may cancer nagbaril sa sarili, patay

crime6

PATAY ang isang mister na may sakit na colon cancer nang magbaril sa sarili sa bakanteng lote sa Valenzuela City, Linggo ng umaga, Enero 27.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kaliwang sentido si Joselito Mercado, 57, ng Fortune Drive, Fortune Village 5, Parada ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, nag-aalmusal ang biktima kasama ang mga kaanak nang magpaalam na lalabas sandali ang nasawi.

Ilang minuto paglabas ay nakarinig ng putok ang mga kaanak ng biktima at nang tingnan ang pinagmulan ay nakitang duguang nakatimbuwang ang biktima habang nasa kamay ang kalibre .38 sa bakanteng lote katabi ng bahay ng mga Mercado.

Lumalabas na may sakit na colon cancer ang biktima na sinasabing dahilan upang magpakamatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply