Mister nagpanggap na bumbero, nangotong, kalaboso

kulong 2

KULONG ang isang mister matapos na magpanggap na bumbero at tinangkang “kotongan” ang isang negosyante sa Caloocan City, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Rolando Enriquez, 50, ng M. H. Del Pilar St., Tugatog, Malabon City.

Sa pahayag ng biktimang si Leocadio Chan, 54, dakong alas-5:30 ng hapon, nagpunta ang suspek sa kanyang KTV bar sa A. Mabini St., ng lungsod at nagpakilalang inspector ng bumbero.

Hinahanapan ng mayor’s permit ng suspek ang biktima at hinahanap din ang mga fire extinguisher upang sa kanya na umano magpa-refill.

Nang hanapan ng identification ang biktima ay walang maipakita ang suspek na naging dahilan upang tumawag ng pulis ang una at ipinadampot ang huli.

Sa presinto, umamin na hindi tunay na bumbero ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply