Mister niratrat sa burol, dedbol

crime6

PINAGLALAMAYAN na ngayon ang isang mister makaraang ratratin ng hindi nakilalang armadong lalaki habang naglalaro ng baraha sa burol ng patay sa Port Area, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktima na si Froilan Magallanes, 50, ng 231 Block 1 Aplaya St., Baseco Compound sa Port Area.

Inoobserbahan naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang mga nasugatan na sina Rosario Rosin, 38; Dolores Socon, 64; Leonora Briones, 42 at Nobelito Briones, 45, pawang residente sa Aplaya St. sa Baseco Compound.

Sa report ni SPO2 Glenzor Antonio Vallejo, naganap ang insidente bandang alas-12:45 ng madaling-araw sa lamay ng stepson ng biktimang si Magallanes na si Junior Felix Villanueva.

Nabatid sa salaysay ng live-in partner ni Froilan na si Teresita Villanueva, 47, na naglalaro ng tong-its ang nasawi at sina Rosin at Socon nang dumating ang hindi nakilalang suspek na armado ng kalibre 45 na baril.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng suspek si Magallanes na tinamaan sa likod at kanang braso na nagresulta ng pagkamatay nito.

Sa naturang pamamaril, nahagip ng bala sa kanang kamay si Rosin, habang si Socon ay tinamaan sa kaliwang balikat at kaliwang kamay. Tinamaan naman si Leonora Briones sa kaliwang binti habang ang kanyang mister na si Nobelito ay sa kanang binti.

Agad na tumakas ang suspek matapos makitang nakabulagta na at wala nang buhay si Magallanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply