MMDA dismayado sa LTO sa pagbasura sa kaso ni Carabuena

robert-blair

DISMAYADO si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa pagbasura sa kasong isinampa nila laban kay Robert Blair Carabuena, ang lalaking nahuli sa video na nanampal sa isang traffic enforcer noong nakaraang taon.

Nabatid na nagsampa ng reklamo ang MMDA laban kay Carabuena, isang executive ng kompanya ng sigarilyo, dahil sa pananampal at pag-abusong berbal kay TE Saturnino Fabros noong Agosto 11 sa Tandang Sora- Capitol Hills sa Quezon City.

Ngunit sa pitong pahinang desisyon ng LTO, sinabi nito na walang paglabag si Carabuena sa Section 21 ng Land Transportation and Traffic Code at sinabing ang insidente ay isa lamang paglabag sa trapiko na hindi katumbas ng mabigat na parusa tulad ng rebokasyon ng lisensya.

Inirekomenda ng MMDA na masampahan si Carabuena ng kasong “disregarding traffic signs/ disregarding traffic officer”.

Hindi umano sapat ang pagbibigay lamang ng “warning” kay Carabuena at naniniwala sila na dapat talagang mapawalang-bisa ang lisensya nito.

Nakatakda namang magsampa ng “motion for reconsideration” ang MMDA sa LTO ukol sa naturang kaso.

Bukod sa kaso sa LTO, nahaharap rin sa hiwalay na kaso si Carabuena sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa pananampal kay Fabros.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply