Mock elections, field testing ng PCOS machines, ipinagpaliban ng Comelec

IPINAGPALIBAN ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakdang pagdaraos ng mock elections at field testing ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa May 13 midterm elections.

Ang PCOS field testing ay nakatakda sanang isagawa sa Enero 19, ngunit ipinagpaliban ito sa Enero 26 habang ang mock elections naman ay isasagawa sana sa Enero 26 ngunit itutuloy na lamang ito sa Pebrero 2 sa ilang piling lugar.

Ipinaliwanag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang pagpapaliban ng mga nasabing aktibidad ay upang bigyan ng sapat na oras ang Systems Labs Inc. na matapos ang isinasagawa nitong source code review ng mga PCOS.

Alinsunod sa Republic Act 9369 o Automated election law,  kinakailangang magsagawa ng testing at mock polls bago ang mismong araw ng halalan upang agad na matukoy ang mga posibleng magiging kakulangan o kapalpakan sa gagawing eleksyon at kung paano ito sosolusyunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply