Mock elections, kasado na

comelec

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na sa Pebrero 2 nakatakdang isagawa ang mock elections sa voting centers sa 10 lugar sa buong bansa.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, nilinaw niyang bukas sa publiko ang isasagawang mock elections gamit ang automated election system.

Kaugnay nito, isasagawa ngayong araw ng Comelec ang field testing sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na gagamitin sa May 13 midterm elections.

Layon ng field testing na masuri ang kakayahan ng mga PCOS machines sa pag-transmit ng resulta ng halalan at upang mabigyan ng pagkakataon ang Comelec na mapaghusay pa ang sistema.

Samantala, nanawagan si Sarmiento sa publiko na makiisa sa nalalapit na 2013 midterm elections.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply