Modus sa PCSO nabuking, kelot kalaboso

KALABOSO ang isang lalaki matapos itong mabuking sa kanyang mudos operandi sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office .

Isinuko ng Intelligence Security ng PCSO sa Manila Police District-General Assignment Section ang suspek na si Beinvenido Artano,34, ng Quezon City.

Ayon kay SPO1 James Poso, imbestigador ng MPD-GAS, ang pagkakaaresto ni Artano ay  dahil na rin sa reklamo ng isang ginang na hinihingan nito ng porsyento mula sa makukuhang ayuda ng PCSO.

Napag-alaman na ang modus ni Artano ay humanap ng tao na nangangailangan ng tulong pinansyal at kaniya namang ilalapit sa tauhan ng ahensya na nakilala bilang social worker ng PCSO na si Genesis Madrid.

Nabatid na nilalakad ni Artano ang papeles para makakuha ng suportang pinansyal ng mga nangangailangan ngunit may komisyon ito sa halagang makukuha hanggang 40% ng perang makukuha.

Gagawa naman ng paraan ang kasabwat na si Genesis upang mailabas ang “hospital guarantee” ng PCSO sa halagang P100,000 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon naman sa PCSO umaabot lamang sa halagang P75,000 ang kanilang inilalabas at ang proseso nito ay umaabot pa ng isang linggo.

Ayon pa kay Poso, tinakot umano ng suspek ang biktima na hindi mailalabas ang pera hangga’t di ito nagbibigay ng halagang P40,000 bilang komisyon at mababalewala pa ang letter of guarantee.

Dahil dito, agad na nagreklamo ang biktima sa awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply