Most wanted dedo sa engkuwentro sa Pasay

NAPATAY ng mga tauhan ng Pasay City Police Warrant Section sa isang engkuwentro ang isang kilalang most wanted sa batas kagabi sa naturang lungsod.

Ang suspek na napatay ay kinilala ni Senior Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, na si Belo Tubat, alias “Jr Asin” na siyang itinuturong pumatay sa police na si PO3 Joey Salazar may ilan taon na ang nakalilipas.

Sinabi pa ni Llorca na si Tubat ay hinihinala rin na gun for hire, drug pusher at may apat pang kataong napatay batay sa kanilang record.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Simeon Repicio ng Pasay City Police Criminal Investigation Division, ang insidente ay naganap dakong 11:00 ng gabi (January 18) sa P. Celle St., Pasay City nang makatanggap ng ulat ang mga tauhan ng warrant section kaugnay sa presensya ni Tubat.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa naturang lugar upang i-serve ang mandamiyento de arresto, pero nang mamataan ang paparating na awtoridad, agad na bunumot ng baril si Tubat at iniumang at pinaputukan umano ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ng bala ang suspek na ikinamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply