Motor ipinaglaban, binata utas sa carjacker

crime5

DAHIL ayaw ipatangay ang motorsiklo, isang binata ang binaril ng carjacker sa Cagayan de Oro City kaninang umaga (Enero 8).

Isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang kumitil sa buhay ng biktimang si Reyman Cadavero, 22, ng Barangay Bayabas, Cagayan de Oro City.

Hinahanting na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspek na inilarawang nasa 35-38-anyos, 5”5, medium built, maitim at nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 9:30 kaninang umaga sa isang bisinidad sa Barangay Bayabas.

Bago ito, pinapatakbo ng biktima ang kanyang motorsiklo sa lugar nang bigla siyang parahin ng suspek at pilit nitong pinababa ang binata para kunin ang kanyang sasakyan.

Subalit ayaw ibigay ng biktima ang kanyang motorsiklo kaya binaril siya ng suspek na tumakas sakay sa motorsiklo ni Cadavero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply