Motor sinalpok ng trak: Sundalo, bebot patay

2 patay

TODAS ang isang sundalo at angkas nitong babae matapos salpukin ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Libo-o, Dingle, Iloilo.

Nakilala ang biktima na sina M/Sgt Joselito Mahanducon, 51, nakadestino sa 552th Engineering Brigade ng Philippine Army at angkas nito na si Leni Casamero.

Nabatid na galing sa bayan ng Pototan ang mga biktima at pauwi na sana sa Brgy. San Jose, Dingle nang salpukin sila ng kasalubong na truck na may kargang kopra.

Ayon sa ulat, nalasog ang katawan ni Joselito makaraang tumilapon kasama ang angkas na babae na naging sanhi ng agaran nilang pagkasawi.

Sumuko naman ang driver ng trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply