Motorcycle rider sumalpok na, nasagasaan pa sa CDO patay

accident

HINDI na umabot ng buhay ang isang motorcycle rider matapos na mabangga ng isa naka-motorsiklo sa Iponan Highway, Cagayan de Oro.

Nakilala ang biktima na si Rodel Joseph Bagaporo residente ng Talakag, Bukidnon.

Batay sa ulat ng pulisya, mabilis ang pagpapatakbo ng biktima sa minamanehong motorsiklo, makasalubong nito at masalpok ang motorsiklo ng isang Fritz Indino na residente ng Initao Misamis Oriental.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nasagasaan pa ng Starex Van sa katawan.

Agad na isinugod sa Northern Mindanao Medical Center si Bagaporo ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply