Motorcycle rider sumemplang sugatan

crimee

BUNGA ng nilaklak na alak, isang motocycle rider ang sugatan makaraang sumemplang sa sinasakyan motorsiklo sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Police SPO4 Henry Sy ng Traffic Police, galing sa Eastwood, Libis ang biktimang si Jesus Regaspi Jr. at pauwi na ito sa Bagong Silangan nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo.

Sinasabing sumemplang si Regaspi sa tapat ng Ateneo De Manila University (ADMU) bago sumapit ng UP Integrated School (UPIS).

Nagtamo ng sugat sa nguso at dibdib ang biktima, at sumuka ng dugo ang biktima at aminadong nakainom ng alak.

Dinala ang biktima sa East Avenue Medical Center ng mga rescue team.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply