Motorsiklo sinuwag ng ambulansya, rider lasog

crime3

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang lalaki habang sugatan naman ang kaangkas nito nang suwagin ng humaharurot na ambulansya ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ilocos Sur, kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Suero General Hospital ang biktima na si Renato Sinco, 23-anyos ng Sitio Bessang, Barangay Pug-os, Cabugao, sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan.

Nilalapatan naman ng lunas ang kaangkas ni Sinco na si Cesar Espejo, 22-anyos ng Margaay, Cabugao.

Hindi naman nasaktan ang drayber ng ambulansya na si Reynal Sosa, 53-anyos ng Bonifacio, Cabugao pero sinampahan na ng kaukulang kaso.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa national highway ng Barangay Rizal sa Cabugao.

Lulan sa kanilang Honda Wave motorcyle ang mga biktima at tinatahak ang pa-timog na direksyon ng national highway ng Barangay Rizal nang biglang suwagin ng municipal ambulance ng bayan ng Cabugao na minameho ni Sosa.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa ere ang magkaangas at lumagapak sa sementadong kalsada.

Sa imbestigasyon, lumabas na walang ilaw ang motor at sinakop pa nito ang linya ng ambulansya kaya nagbanggaan ang dalawang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply