Motorsiklo sinuwag ng bus, 2 utas

2 patay

DEAD on the arrival sa pagamutan ang dalawang lalaki makaraang suwagin ng isang bus ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Libtong, Taguidin, Ilocos Sur, kahapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Marlon Lorenza, 23, at Oliver Partible, 17, residente ng Barangay Lalilem North, Alilem, Ilocos Sur.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Taguidin Philippine National Police (PNP), naganap ang insidente sa national highway sa Barangay Libtong kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pulis, biglang tumawid ang motorsiklo na minamaneho ni Lorenza at hindi ito napansin ng Partas bus na minamaneho ni Cresencio Duque, 49, ng Barangay Ambiatris, Bagal, Bucay, Abra, Ilocos Norte.

Sa pahayag ng bus driver, huli na ang lahat noong bumisina at magpreno siya dahil sa biglaang pagtawid ng mga biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide ang bus driver.

Napag-alaman naman na ang dalawang biktima ay naka-inom at galing sa isang kasiyahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply