Motorsiklo sumalpok sa dyip: Rider sugatan

rider-sugatan1

NATAPYASAN ng daliri sa paa ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep sa may SM North-Edsa, Quezon City kaninang pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Dione Gonzales na nagtamo ng sugat sa katawan at paa.

Ayon sa pahayag ng driver ng jeep na kinilalang si Ardie Balenado, tinatahak umano niya ang kahabaan ng Edsa nang mamataan ang motorsiklo na pagewang-gewang.

Pinilit aniya niya na iwasan ang motorsiklo pero huli na at sumalpok na ito sa jeep dahilan upang tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo.

Nilapatan ng paunang lunas ng rumespondeng rescue team ang sugatang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply