Motorsiklo sumalpok sa plant box, magkaklase todas

2-deads

TODAS sa malagim na aksidente ang isang magkaklse nang suwagin ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang plant box sa bayan ng Basista sa lalawigan ng Pangasinan Martes ng gabi (Enero 22).

Dead on arrival sa Region 1 Medical Center sanhi ng pagkabali ng leeg ang biktima na kapwa high school student na sina Michael Sarmiento, 19-anyos, residente ng Malimpec, Basista at Mark Wayne Yambot, 15-anyos , residente naman ng Langiran, Bayambang.

Naganap ang insidente dakong 8:45 nitong Martes ng gabi sa isang kurbadang parte na madalas na may nangyaring malagim na aksidente sa Barangay Patacbo, Basista.

Bago ito, lulan sa motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay mula sa pamamasyal sa bahay ng isang kaibigan ang magkaklase.

Pagsapit sa kurbadang kalsada, hindi nakalkula ni Sarmiento ang takbo ng kanyang motorsiklo kaya sinuwag nito ang kongretong plants box at saka tumilapon sa ere at bumagsak sa kalsada.

Ayon sa tiyuhin ni Sarmiento na si Jesse de Vera, hindi pa masyadong marunong magpatakbo ng motorsiklo si Sarmiento kaya sila naaksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply