Mukha ng beybi lapnos sa mainit na tubig

NALAPNOS ang mukha at leeg ng isang baby makaraang matapunan ng mainit na tubig sa lalawigan ng Sarangani.

Sa report sa radyo, kinilala ang biktima na si John Nelbert Manganohoy, one year old, at taga-Purok Tagumpay Alabel, Sarangani, na natamo ng second degree burn.

Nabatid na sinalinan ng nanay ng biktima ng mainit na tubig ang isang tasa at ipinatong sa mesa. Sa kasamaang palad natumba ang tasa at bumuhos ang mainit na tubig sa mukha at leeg ng bata.

Sa ngayon, ligtas na sa kapahamakan ang baby ngunit nananatili pa rin sa pagamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply