Mukha ng kelot, wasak sa shotgun

bangkay

WASAK ang mukha ng isang 23-anyos na lalaki matapos barlin ng shotgun ng magtiyuhin na tanod sa Tondo, Maynila, kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Jonathan Claudio, nakatira sa Road 10 Highway, Moriones St., Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Reynaldo Solvera, 45, at pamangkin na si Joseph Solvera, 33 pawang mga barangay tanod  sa lugar.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, naganap ang insidente bago mag-alas-4:00 ng madaling araw.

Nabatid na halos matanggal ang buong mukha ng biktima dahil sa pagkawasak sanhi ng tama ng shotgun.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply